Sunday, April 5, 2026

Pagbabawal sa paggamit ng social media para sa edad 16 pababa, isinulong sa Kamara

Isinusulong ni CIBAC Party-List Rep. Bro. Eddie Villanueva na pagbawalang gumamit ng social media ang 16 taong gulang pababa.

Nakapaloob ito sa inihain ni Villanueva na House Bill No. 8262, o panukalang Social Media Protection for Minors Act.

Tugon ito ni Villanueva sa tumitinding epekto ng social media sa mental health, safety, at developmental well-being ng mga bata sa buong mundo.

Binanggit ni Villanueva na mahalagang maisabatas agad ang panukala dahil lumalala ang banta ng algorithm-driven addiction, exposure sa marahas o sexual content at online exploitation sa mga bata.

Ayon kay Villanueva, ilang mga bansa na ang nagpatupad ng paghihigpit paggamit ng mga menor de edad ng social media tulad sa Australia, Spain, at France.

Diin ni Villanueva, ang pagbibigay-proteksyon sa mga bata laban sa mapanganib na social media exposure ay isang moral at national responsibility.

Facebook Comments