Nanawagan ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa gobyerno at pribadong sektor na huwag gawing komplikado ang mga proseso para sa mga gamot at gamit laban sa COVID-19 kung napatunayan namang ligtas at epektibo.
Ang apela ay ginawa ng ARTA matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga Department of Health accredited saliva testing laboratories na hindi pa pinapayagang gamitin ang kanilang saliva testing kits.
Tinugunan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasabing isyu.
Tiniyak ni Secretary Jeremiah Belgica na patuloy na magbabantay ang ARTA para siguraduhing mabilis ang mga proseso sa COVID-19 response ng gobyerno lalo pa’t nakapasok na ang Delta variant sa bansa.
Facebook Comments