ARTA, pinadedeklarang otomatikong renewed ang 2,250 pending applications sa FDA

Iginiit ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na gawing otomatikong nakapag-renew na ng aplikasyon ang mga kumpanyang may pending na aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA).

Ito’y kaugnay ng mga may produktong low-risk o mga produktong matagal nang nasubok sa merkado at walang naitatalang negatibong record.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, aabot sa 2,250 na pending applications ang dapat nang isyuhan ng FDA ng Automatic Renewal Applications of Certificate of Product Registration.


Naisumite na ang listahan ng Declaration of Completeness and Order of Automatic Renewal to the Center for Drug Regulation and Research matapos na makapagbayad na ang 325 companies at entities na pwedeng pasok sa automatic renewal.

Facebook Comments