Arthritis drug na Baricitinib, posibleng gawing alternatibo sa Tocilizumab bilang gamot sa COVID-19

Tinitignan na rin ng Department of Health ang anti-inflammatory drug na Baricitinib na gawing alternatibo sa Tocilizumab bilang gamot sa COVID-19 severe patients.

Kasunod ito ng matinding kakulangan ng bansa sa Tocilizumab na posibleng umabot hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, bagama’t ginagamit na ang Baricitinib sa ibang bansa, kailangan pa rin sumailalim at pumasa ito sa pag-aaral ng ilang eksperto.


Dapat din mabigyan muna ito ng clearance ng Food and Drug Administration at rekomendasyon mula sa DOH na nakabatay sa ginawang pag-aaral ng mga eskperto.

Matatandaang inihayag ng Roche Pharmaceutical Company at Biocare Life Sciences na nagkakaubusan ng suplay dahil sa malaking pangangailangan ng ibang bansa sa nasabing gamot.

Facebook Comments