Artist sketch ng 2 sa 6 na suspek sa Batocabe murder case, inilabas!

Inilabas na ng Special Investigation Task Group-Batocabe ang artist sketch ng dalawa umano sa anim na pinaghihinalaang suspek na pumaslang kay Ako Bicol Party-List Congressman Rodel Batocabe at police escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon kay Police Regional Office-5 Spokesperson Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, nakabatay sa salaysay ng mga witnesses ang artist sketch na pinadala ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng pulisya.

Sa ngayon inaantay na rin daw ng mga opisyal ang natitira pang artist sketch ng apat na iba pang itinuturong suspek.


Umakyat na sa P50-milyon ang reward money na inilabas para sa makapagtuturo sa mga salarin.

Facebook Comments