Arwind Santos hindi mag-so-sorry sa monkey gesture kay TNT import Terrence Jones

Courtesy PBA Images

Hindi pinagsisisihan ni San Miguel Beermen (SMB) forward Arwind Santos ang ginawang monkey gesture na patama kay TNT import Terrence Jones sa kasagsagan ng Game 5 finals ng PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkules.

Nakunan sa camera ang monkey gesture ni Santos matapos ma-foul si Jones sa huling bahagi ng second quarter sa nasabing laban.

Screenshot via PBA/ESPN5

Paliwanag ng dating MVP, bahagi lamang ito ng “mind games” ng koponang kinabibilangan at normal na nangyayari sa larong basketball.

Sinusubukan lang din niya umanong asarin si Jones dahil maging maglaro.

“Sorry ako? Hindi. Depende ’yun sa kanya. Kung mapipikon siya, totoong monkey siya. Kung di ka mapipikon, di ka monkey. Kami nanga-asar lang. Kami nga magka-kapatid naga-asaran din kami. Di ko naman siya kaano-ano,” giit ni Santos.

“Gusto lang namin manalo. Kung mapikon siya, hindi ko na kasalanan ’yun,” dagdag pa niya.

Ilang sandali matapos gawin, binigyan siya ng babala ni PBA Commissioner Willie Marcial at coaching staff ng SMB.

“Sinabihan naman ako kanina, kaya di ko na ginawa ’yun, Dati ginagawa ko ’yan, wala naman warning so OK lang,” ayon sa noo’y star player ng FEU.

 

Facebook Comments