IRA ng Baranggay natangay, Treasurer pinatay pa!

48

Tinangay muna ang bag nito na naglalaman ng mahigit 200K bago binaril resulta ng kanyang kamatayan.
Ito ang sinapit ni Brgy. Gayonga Northern Kabuntalan Treasurer Winnie Rabang Rugayan mula sa riding in tandem criminals .
Pasado alas onse kahapon ng tanghali, nagmula sa isang bangko sa bahagi ng City Plaza si Rugayan , sinasabing nagwithdraw ito ng IRA ng Brgy.,papauwi na sana ito pasakay ng pampasaherong vehicle sa bahagi ng Jose Lim Area sa Cotabato City ng lapitan at hablutin ang bag nito ng mga di nakilalang mga suspek.
Tama sa ulo mula sa kalibre kurentay singko ang natamo ng biktima.
Bagaman may CCTV Footage na hawak na ng mga otoridad, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers