Arwind Santos nag-sorry na kay Terrence Jones

Courtesy PBA Images

Binawi ni San Miguel Beermen (SMB) forward Arwind Santos ang naunang pahayag na hindi siya mag-so-sorry sa TNT import na si Terrence Jones.

Sa bidyong pinost ni Santos sa kaniyang Twitter account nitong Huwebes, humingi siya ng paumahin kay Jones, mga tagahanga ng kani-kanilang koponan, at pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA).


“I don’t mean anything bad for you. I hope you forgive me. I wanna say sorry again,” mensahe ng dating MVP sa Amerikanong basketbolista.

Kinundena ni Jones at ng sambayanan ang ginawang monkey gesture ni Santos matapos matawagan ng foul ang una sa huling bahagi ng 2nd quarter ng Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Nakunan ng camera ang pang-iinsultong naganap, dahilan para masaksihan ng libo-libong fans ng SMB at TNT.

“Wala po akong masamang intensiyon. Inaamin ko po, mali po ako. Sorry po. Sana mapatawad niyo po ako,” sambit ni Santos.

Samantala, pinatawan ni PBA Commissioner Willie Marcial ng P200,000 multa at 100 oras na community service si Santos.

Sasailalim din siya sa ilang mga seminar at counseling para sa equality and racial discrimination.

Facebook Comments