Manila, Philippines – Posibleng tumaas pa rin ang inflation ngayong papalapit na Christmas season.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino – tiyak na tataas ang konsumo o demand sa mga bilihin sa holiday season na makakaapekto sa inflation.
Nakatuon ngayon sa supply side o pagpaparami ng mga supply ng mga Christmas items para hindi masyadong tataas ang kanilang mga presyo sa merkado.
Makakadagdag din aniya sa pagtaas pa sa presyo ng bilihin ang international oil price.
Paliwanag ng finance department, karamihan sa mga produkto ngayong ay nakadepende sa langis, mula sa produksyon hanggang sa delivery sa mga pamilihan o sa mga consumers.
Facebook Comments