Asawa ng Alkalde ng Rosales, Pangasinan na isang Barangay Captain patay sa pamamaril

580

Dead on the spot ang Incumbent Barangay Captain ng Tomana East, Rosales, Pangasinan na asawa din alkalde ng naturang bayan matapos itong pagbabarilin sa harap ng kaniyang carwash/auto shop.
Kinilala ang biktima na si Barangay Tomana East Punong barangay Reynaldo Casareno, 56 anyos na asawa ng alkalde ng Rosales na si Mayor Susan Casareno.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Rosales nakatanggap umano sila ng tawag mula sa mismong pinsan ng biktima na si Casanicolasan Incumbent Barangay Captain Lindo Licudo.
Pauwi na umano ang kapitan mula sa kanyang bagong tayong carwash/auto shop ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.
Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng baril sa kanyang ulo at katawan na dahilan ng kanyang agarang pagkakamatay.
Ayon sa mga saksi nakuha pang makapaglakad na parang walang nangyari ang suspek patungo sa naghihintay nitong back up na rider.
Agad na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng pulisya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang pamamaril maging ang motibo nito.

Facebook Comments

From Advertisers