Estudyante, Pinaghahanap Matapos Malunod!

136

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang isinasagawang search and retrieval operation ng mga otoridad sa nawawalang estudyante matapos na malunod sa baybayin ng Brgy. Dimapula, Divilacan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Lorence Lagula, 15 anyos, grade 10 student at residente ng Brgy. Dibulos, Divilacan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa naturang lugar upang maligo kasama ang mga kaibigan na sina Angelo Tagao, 15 anyos, John Mark Campos, 15 anyos, Valrex Florentino, 13 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Dibulos at Johny Candelaria, 15 anyos, residente naman ng Brgy. Bicobian ng nasabing bayan.

Habang naglalangoy sa tubig ang mga magkakaibigan ay bigla umano silang hinila ng malakas na alon ng tubig na sanhi ng pagkalunod ng biktima.

Pinaghahanap na ito ngayon ng mga otoridad sa posibleng kinaroroonan ng 15 anyos na biktima.

Facebook Comments