Asawa ng founder ng Kapa, kinasuhan ng tax evasion ng BIR

Kinasuhan ng tax evasion ang asawa ng pinuno ng Kapa Community International na nasasangkot sa investment scam.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), hindi idineklara ni Reyna Apolinario kung paano lumobo sa 306 million pesos ang kanyang kita noong 2018.

Higit 307 million din ang hindi idineklarang sources of income ni Apolinario noong 2017.


Hindi rin naghain si Apolinario ng income tax return mula 2012 hanggang 2015.

Pinagbabayad siya ngayon ng higit 168 million pesos na tax liability.

Facebook Comments