32 na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng delikadong lebel ng heat index bukas, April 29

Aabot sa 32 na lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng delikadong lebel ng heat index bukas, araw ng Lunes.

Base ito sa two-day forecast ng PAGASA-DOST kung saan inaasahang makapagtatala ng 46°C na damang init ang Aparri, Cagayan.

Habang 45°C naman sa Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao, Cagayan; Ambulong, Tanauan Batangas; Coron, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Aborlan, Palawan; Virac, Catanduanes at Roxas City, Capiz.


Posibleng maranasan din ng 44°C na heat index sa Laoag City at Batac, Ilocos Norte; Bacnotan, La Union; Echague, Isabela; Sangley Point, Cavite; Puerto Princesa City, Palawan; Iloilo City; Dumangas, Iloilo at Guiuan, Eastern Samar.

Habang 43°C naman sa Sinait, Ilocos Sur; Mambusao, Capiz; La Carlota, Negros Occidental at Dipolog, Zamboanga del Norte.

Samantala, inaasahang makapagtatala naman ng 42°C na damang init ang NAIA, Pasat City; Science Garden, Quezon City; Bayombong, Nueva Vizcaya; Tayabas City; Quezon; Legazpi, City Albay; Maasin, Southern Leyte; Davao City at Butuan City, Agusan del Norte.

Facebook Comments