ASAWA NG ISA SA FALLEN 11, NANGAKONG IPAGPAPATULOY ANG SINIMULAN NG NAPATAY NA ASAWA

Cauayan City, Isabela – “Mas lalo pa akong magpupursige sa aking pagsusundalo” ito ang madamdim ngunit may paninindigang pahayag ni Pfc Princess Joy Trinidad Pagulayan sa pagkamatay ng kayang asawang si Cpl. Jomel Pagulayan.

Sa kabila ng pigil na damdamin at mga luha, sinabi ni Pfc Pagulayan na ang pagtanggap sa nangyari sa kanyang asawa ang tanging paraan para makapag move on siya. Sila ay ikinasal noong July 2019 at nakatakda sanang umuwi dito sa region 2 si Cpl Pagulayan noong March 19 ngunit naabutan ng lockdown.

Ayon sa kwento ng asawa, isa sa plano ni Cpl. Ragulayan sa pag uwi dito ay para bumili ng lupa at makapag biyahe gamit ang bagong bili nilang sasakyan. Isinalarawan si Pagulayan bilang isang tahimik at istrikto, hindi pala labas ng bahay ngunit hindi mareklamo kaya laking pagtataka niya ng matanggap ang isa sa huling text message nito na “maturug nakun, ta nabanbannug nak”(matutulog na ako dahil pagud na pagod ako) Dati rati ayon pa sa asawa na kahit anong pagod ay hind siya nagsasabing pagod na siya sa paggampan sa kaniyang tungkulin bilang sundalo.


Giit pa ni Pfc Pagulayan, sa edad na 28 at bilang kasapi ng 17IB, sa ilalim ng 5th ID, PA, lalo pang napalakas ang kanyang kalooban at nangakong ipagpapatuloy ang mga sinimulan ng kanyang asawa at magpupursigi ito sa pagiging isang mabuting sundalo para mawakasan na ang daang taong problema sa insurhensiya at sesiyonista sa bansa.

Si Cpl. Pagulayan na isa sa fallen 11 na nakipagbakbakan sa mga Abu Sayaf sa Sulu, Mindanao. Kasalukuyang nakahimlay ang mga labi ni Cpl. Pagulayan sa Brgy. Dagupan, Alicia, Isabela. Nakatakda siyang ihatid sa kayang hurling hantungan sa Lunes, April 27, 2020.

Facebook Comments