Asawa ng kapitan ng FB Gem-Vir 1, ‘nabalewala’ ang pagboto kay Duterte

429

Hindi ikinatuwa ni Lanie Insigne, asawa ng kapitan ng FB Gem-Vir 1, ang reaksyon ni Pangulong Duterte tungkol sa nangyari salpukan sa Recto Bank.

Ayon kay Insigne, nabalewala ang pagboto nila kay Duterte noong 2016 Presidential Elections.


“Siya ang binoto naming Presidente. Hangang-hanga kami sa kanya kasi matapang siya, tapos parang binalewala lang kami,” sambit ng babae.

Kahapon, inamin ng kanyang mister na ito ay nalungkot matapos sabihin ng Presidente na “simpleng bangaan ng mga barko” ang naganap sa Recto Bank. 

“Paano kung maraming namatay sa amin?”, ani Junel Insigne.

Kamakailan, napaulat ang balitang binangga ng isang Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pinoy noong madaling araw ng Hunyo 9. Kuwento ng kapitan, iniwan silang palutang-lutang sa dagat at niligtas ng isang Vietnamese fishing boat tatlong oras matapos ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers