Ipinahayag ni Lanie Insigne, asawa ng kapitan ng F/B Gem Ver-1, na suportado siya pagbaba sa puwesto o sakaling ma-impeach ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kaniya, nadismaya siya naging pahayag ng pangulo tungkol sa nangyaring insidente sa Recto Bank.
“Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon. Parang Chinese na lang ang sinusundan niya,” ani Lanie.
Sa kaniyang interview sa ANC, sinabi niyang mas pumanig ang pangulo sa China kaysa sa mga Pilipinong mangingisda na nasa dagat ng anim na oras.
“Naiinis ako kanina, nanonood ako ng TV. Sabi ko, maigi pa ngang ma-impeach ‘yan,” dagdag niya.
”Parang wala nang karapatan ang Pilipinas doon. Parang Chinese na lang ang sinusundan niya. Naiinis ako kanina, nanonood ako ng TV. Sabi ko, maigi pa ngang ma-impeach yan.” – Lanie Insigne, wife of GEMVER1 captain Junel, on after hearing Duterte wouldn’t bar China from the PH EEZ pic.twitter.com/3gi5TxTr4S
— Chiara Zambrano (@chiarazambrano) June 28, 2019
Una nang sinabi ng mga kritiko na kailangang ma-impeach si Duterte dahil umano sa paglabag sa konstitusyon kung saan pinayagan niyang mangisda ang mga Chinese kahit na sakop ito ng bansa o Exclusive Economic Zone (EEZ).
Pinahayag naman ng pangulo na “ipapakulong” niya umano ang mga gustong mag-impeach sa kaniya.