PNP Cauayan, Patuloy ang Hot Pursuit Operation sa Paghuli sa isang Sekyu!

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring insidente ng pamamaril sa pambansang lansangan ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela bandang 9:50 kagabi, June 27, 2019.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Arenas, 27 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. Magsaysay, Cabatuan, Isabela habang ang suspek ay nakilala na si Michael Daus nasa tamang edad, security guard na residente ng San Mateo, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan na habang binabagtas ng biktima ang daan pauwi ng kanilang bahay lulan ng kanyang kulay pulang tricycle at nang matumbok ang pinangyarihan ng nasabing lugar ay agad na pinagbabaril ng suspek lulan naman ng kanyang motorsiklo ang biktima nang dalawang beses gamit ang hinihinalang gun revolver na maswerteng sidecar ng tricycle ang napuruhan.


Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang insidente ng pamamaril sa lugar.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan para sa pagkakahuli sa suspek.

Facebook Comments