Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na may asawa at dependents na Filipino na sila ay papayagan lamang na makapasok sa Pilipinas kapag sila ay may kaukulang visa.
Ito ay alinsunod sa Resolution Number 60 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sakop din ng naturang panuntunan ang mga anak o magulang ng Filipino citizens na may special needs
Nagpaalala rin ang BI sa mga Pinoy na may asawang dayuhan na papasok ng Pilipinas ay dapat magpakita ng authenticated marriage certificate.
Nilinaw pa ng BI na hindi na kailangang mag-apply ng entry visas ng immigrants at holders ng long-term visas dahil sila ay nasa hanay na ng aliens na papayagang makapasok ng Pilipinas, epektibo August 1, 2020
Facebook Comments