Asawa ni Jaybee Sebastian, sumugod at pinagbantaan ang Bilibid guards ayon sa BuCor

Nagpunta sa New Bilibid Prisons (NBP) ang asawa ng high-profile convict na si Jaybee Sebastian at pinagbantaan umano ang officers ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nangyari ito isang araw pagkatapos mamatay si Sebastian.

Sa kuha ng CCTV mula sa NBP, makikita ang isang galit na babae na kinokompronta ang isang tauhan ng Bilibid.


Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, sinabi ng babae na ipapapatay niya ang lahat ng BuCor personnel.

Bagama’t naiintindihan nila na nagluluksa ang pamilya ni Sebastian, natatakot din ang kanilang mga tauhan dahil alam nila na may kakayahan ang mga ito.

Nanindigan din si Chaclag na inabisuhan ang pamilya hinggil sa pagkamatay ni Sebastian pero tumanggi ang pamilya na makita ang kanyang mga labi.

Hinigpitan na ng BuCor ang seguridad nito sa loob at labas ng kanilang mga pasilidad matapos makatanggap umano ng plano mula sa mga taga-suporta ni Sebastian.

Facebook Comments