Asawa ni Matt Evans, kalaboso sa kasong estafa

27792
Courtesy Makati City Police

Dinakip ang misis ng aktor na si Matt Evans, Miyerkules ng hapon, dahil sa kasong estafa.

Sa bisa ng warrant of arrest ng Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A, inaresto ng pulisya si Riza Katrina Evans.


Konektado umano sa dating negosyo ng kabiyak ni Evans ang isinampang reklamo.

Ayon pa sa awtoridad, kinasuhan din si Katrina ng cyberbullying sa Cebu City subalit nakapagpiyansa na ito.

P30,000 naman ang inirekomendang halaga ng piyansa sa naturang kaso.

Sa ngayon, nasa kostudiya ng Makati Central Police Headquarters si Katrina. Wala pang pahayag ang kampo ni Evans hinggil sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers