Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel bilang Special Envoy for Trade and Investment to the United Arab Emirates.
Nanumpa si Pimentel sa harap ng pangulo kahapon kasama ang kanyang mister na si Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Ayon kay Pimentel, masaya siya sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya ng pangulo.
Kasabay nito’y ibinahagi ni Pimentel na magiging misyon niya ang pagpapalakas ng investment at trade relations sa UAE.
Kaagad naman itong nag-report sa trabaho at dumalo sa courtesy call sa Palasyo ni UAE Foreign Affairs Minister Sheikh Abdullah Bin Zayed al Nahyan.
Facebook Comments