4 na pulis na sangkot sa pag-kidnap ng 4 na Chinese, iprinisinta sa Kampo Krame

Iprinisinta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil ang apat na pulis na dawit sa pangingidnap ng mga dayuhan.

Ayon kay SILG Abalos, isang major at tatlong sarhento ang dawit sa iligal na aktibidad.

Modus ng grupo na harangin ang mga banyaga na lulan ng sasakyan atsaka dudukutin ang mga ito.


Sinabi naman ni CPNP Marbil na nakatakas ang dalawa sa mga biktima dahilan para magkasa ng operasyon ang mga awtoridad at nasakote ang apat na pulis.

Ani Marbil, may kasabwat ang mga pulis na 10 sibilyan na pinaniniwalaang utak din ng sindikato.

Mahaharap ang mga pulis sa kasong administratibo at kidnapping for ransom, carnapping at robbery habang patuloy ang manhunt operation upang masakote ang mga sibilyang kasabwat ng mga ito.

Facebook Comments