Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.
Ito’y bilang paghahanda para sa ASEAN Summit sa Nobyembre.
Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang convoy sa Clark, Pampanga hanggang sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Apektado ng dry-run ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kabilang ang EDSA, mula balintawak hanggang Magallanes.
Kasama rin ang Diokno Boulevard, Pasay Road mula EDSA patungong Skyway Roxas Boulevard at CCP Complex.
Dahil dito, asahan na ang Stop and Go Movement sa mga nabanggit na kalsada.
Facebook Comments