Pulis na nanakit ng isang 12-anyos na bata sa Pasay, sinuspinde na!

Pasay City – Suspendido na ang pulis na nanakit ng 12-anyos na bata sa Pasay City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, C/Supt. Tomas Apolinario – haharap sa National Police Commission (NAPOLCOM) bukas si PO3 Ferdinand Dator ng District Public Safety Battalion para sa imbestigasyon.

Lumalabas na lasing si Dator ng maganap ang insidente at nahaharap ito sa kasong paglabag sa anti-child abuse.


Facebook Comments