Nagkasundo ang 10 bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN partikular ang Pilipinas, Thailand, Vietnam, Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Laos, Cambodia at Myanmar na kilalanin ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, katatagan, safety and freedom of navigation and overflight sa South China Sea.
Sa ASEAN leaders’ vision statement ay sinabi ng mga ASEAN leaders na nagkasundo sila na magtulungan para sa implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ang mas mabilis na pagbuo ng Code of Conduct in the South China Sea o COC.
Nagkasundo din ang 10 ASEAN countries na magpamalas ng self-restraint upang makaiwas sa mga hakbang na mas magpapalala ng sitwasyon.
Nagkasundo din ang ASEAN na gumawa ng mga mapayapang solusyon sa disputes at sumunod sa international law partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS habang pinapalalim pa ang mutual trust and confidence sa bawat isa.