Manila, Philippines – Naging produktibo ang pagdaraos ng ASEAN Foreign Minister’s Meeting sa bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – mananatiling tagapagtaguyod ang Pilipinas bilang kasapi ng ASEAN at ng United Nations.
Ito’y kasunod ng pahayag ng North Korea na maging patas ang ASEAN sa pagbibigay ng opinyon bunsod ng paggamit nila ng nuclear weapons.
Tungkol naman sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, sinabi ni Cayetano – na hindi kailangang tingnan ang China.
Aniya ang problema ay ginawang ‘Philippines vs. China’ ng nakaraang administrasyon.
Dagdag pa ng kalihim – tumugil na sa reclamation o pag-angkin ng lupa ang Tsina.
Bagamat, nakikipag-usap ang Pilipinas sa China ay hindi ibig sabihin ay isusuko na ang ating teritoryo sa kanila.
Tiniyak ni Cayetano na ang pangunahing layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pangalagaan ang interes ng bansa.