ASEAN Foreign Ministers, pinuri ang Pilipinas sa matagumpay na pagtatapos ng Marawi crisis

Manila, Philippines – Pinuri ng Foreign Ministers ng ASEAN ang Pilipinas at ang gobyerno sa matagumpay na pagtatapos ng giyera sa Marawi at pagkakapatay sa mga lider ng teroristang grupo.

Ito’y sa ginanap na 16th ASEAN Political Security Community Council (APSC) Meeting.

Sa gitna naman ng banta ng terorismo, muli namang tiniyak ng Foreign Ministers ang kooperasyon sa rehiyon at external partners para labanan ang terorismo at violent extremism.


Kinilala din ng ASEAN Foreign Ministers ang patuloy na pag-usad ng iba’t ibang sectoral bodies ng APSC sa implementasyon ng APSC Blueprint 2025.

Partikular na dito ang pag-unlad ng ASEAN-wide instrument sa pagbibigay proteksyon sa migrant workers sa rehiyon.

Muli ring nagbigay ng commitment ang mga ito para sa drug free ASEAN sa pamamagitan ng pagtutulungan sa capability-building activities, palitan ng intelligence information at pagtutulungan ng law enforcement agencies.

Facebook Comments