ASEAN lane, mananatili pa rin kahit natapos na ang summit

Manila, Philippines – Mananatili parin ang ASEAN lane sa Edsa Northbound lane.

Ito ang sinabi ni MMDA Supervising officer Bong Nebrija.

Kasunod nito sinabi ni Nebrija na hinihintay lamang nila ang abiso o go signal mula kay MMDA Head for Operations for Task Force ASEAN Manny Miro kung tatanggalin na ang mga plastic orange barriers at traffic cones sa EDSA NB Lane.


Isang linya ang sakop nito mula Magallanes hanggang Balintawak.

Sa oras na bigyan na sila ng pahintulot na tanggalin ang mga barriers ay kanila na itong hahakutin.

Ang mga plastic orange barriers at traffic cones sa EDSA ang naging mitsa kung bakit naging mabigat ang daloy ng trapiko simula ng mag umpisa ang ASEAN summit.

Sumikat pa dito ang dating beauty queen at artistang si Ma. Isabel Lopez makaraan nyang tanggaling ang traffic cones at dumaan sa ASEAN lane.

Facebook Comments