BIFF patuloy na tinutugis ng militar, libong sibilyan apektado

51

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng military kontra sa hanay ni BIFF Commader at sinasabing ISIS Supporter na si Abu Toraife sa mga liblib na bahagi ng Carmen North Cotabato.

Bagaman wala pang kumpirmasyon kung may mga casualties sa mga tinutugis na mga armado bunsod na rin sa Air, Artillery at Ground Operation na isinasagawa ng military, sinisiguro naman ngayon ng mga ito na hindi na makakalusot pang muli si Abu Toraife sa panayam ng RMN Cotabato kay 6th ID DPAO Chief Cpt Arvin Encinas.

Kaugnay nito, sinasabing mahigit 2500 na indibidwal ang naperwisyo ng kaguluhan at dahil sa takot na maipit sa engkwentro ay lumikas ang mga ito , 2371 rito ay nagmumula sa Brgy Lawili Aleosan at 146 ay nagmumula sa Brgy. Bentangan Carmen.

Samantala ngayong umaga, nabulabog din ang ilang mga residente sa Maguindanao matapos muling magpaulan ng bala ng kanyon at air assets ang military sa liblib na bahagi ng Datu Unsay at Shariff Aguak.

Punterya ng operasyon ang tropa ng isa pang faction ng BIFF sa ilalim ni Kumander Bonggos.
6th ID PIC

Facebook Comments