ASEAN Leaders Summit hindi wasted opportunity para igiit ang claim ng Pilipinas sa South China sea

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamahalaan na hindinasayang ang pagkakataon ng Pilipinas na ihayag ang pagkapanalo ng Bansa saArbitral Tribunal laban sa China sa issue ng Territorial Dispute sa South ChinaSea.
Ito ang reaksyon ng Pamahalaan sa harap narin ng Pahayagnila Magdalo Representative Garry Alejano at Senador Antonio Trillanes na hindinagamit ng Bansa ang oportunidad ng ASEAN leaders Summit para igiit ang Claimsng Pilipinas sa Territorial Dispute dahil hindi ito nabanggit sa inilabas naChairman’s Statement.
Ayon kay Foreign affairs ASEAN Affairs Executive DirectorZaldy Patron, kahit hindi nabanggit ang issue sa South China Sea ay hindi namannawawala ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal at bahagi na aniyaito ng International Jurisprudence o bahagi na ito ng International Law.
Binigyang diin ni Patron na kahit kalian ay maaaringigiit ito ng pilipinas sa China at tulad aniya ng sinabi ni Pangulong RodrigoDuterte ay igigiit niya ito sa tamang panahon.
Isa din aniya sa pinagtutuunan ng pansin ng ASEAN ay angpagbuo sa Framework for the Code of Conduct on the South China sea naisinusulong na maipatupad sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments