ASEAN meeting, tuloy pa rin sa kabila ng naganap na bakbakan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Bohol

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang nakatakdang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa Miyerkules.

Ito ay sa kabila ng naganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at bandidong Abu Sayyaf Group sa Bohol.

Ayon kay DILG officer-in-charge Catalino Cuy, kontrolado at ginagawa na ng mga militar at pulisya ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa Bohol lalo na ang inaasahang 200 delegates ng ASEAN meeting.


Sa katunayan, nasa 4,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), emergency response units at iba pang ahensya ng pamahalaan ang ipapakalat sa Bohol sa araw ng ASEAN summit meeting.

Kaya naman, walang dapat ikabahala aniya ang mga turista at maaari pa ring ituring ang Bohol bilang pinaka safe na lugar sa bansa.

Magaganap ang naturang meeting sa Hennan Resort sa Panglao Island kasabay ng Intersectional Regional Comprehensive Economic Partnership Trade Negotiating Committee ASEAN caucus meeting.

Facebook Comments