Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng ASEAN Philippines National Organizing Committee na tuloy na tuloy ang intercessional regional Economic Partnership Trade Negotiating Committee Meeting na sinimulan ngayong araw at magtatapos sa darating na Biyernes sa Panglao, Bohol.
Sa kabila ito ng nabigong pagsugod ng teroristang grupong Abu-sayyaf sa Ibanangga, Bohol na ikinamatay ng ilan nitong miyembro at ng ilang mula sa puwersa ng pamahalaan.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor, Chairman ng ASEAN National Organizing Committee, wala silang nakikitang dahilan para hindi ituloy ang nasabing pulong sa Bohol.
Paliwanag ni Paynor, nakatutok naman ang mga security officials ng pamahalaan para matiyak ang seguridad ng mga dadalo sa nasabing pulong.
Pero sakali aniyang kailanganin ay mayroon naman silang contingency plan para dito.