Isang ginang sa Texas, napilitang humingi ng tulong matapos maipit ang kamay sa toilet bowl

24

Texas – Naipit ang kaliwang kamay ng isang ginang sa pagtatangkang maayos ang sirang bowl.

Ayon kay Gracie Henderson ng New Caney, wala kasi siyang plunger kaya naisipan niyang gamitin na lamang ang kanyang kamay dahil may naka-stuck sa loob ng bowl.

Dahil dito, hindi na naialis pa ni Henrderson ang kamay kaya’t humingi ng tulong.

Pagdating ng mga rescuer ay dito na kinalas ang bowl at inilabas ng bahay saka pinuukpok ang bowl kaya naman naalis din ang na-stuck na kamay ng babae.

Napag-alaman na ang suot nitong relo ang siyang dahilan ng pagkaka-stuck kung saan dagdag pa ni Henderson sunud-sunod na ang kanyang kamalasan simula ng lumipat siya ng bahay.

Nauna nang masira ang water pipe sa kanyang bagong bahay, na-stuck sa putikan ang kanyang kotse sa tapat ng kanyang bakuran at hindi na gumana ang bagong bili niyang lawn mower.

Facebook Comments