Manila, Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang pamunuan ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN sa tensyon na nangyayari ayon sa Korean Peninsula kabilang na ang Nuclear Threats at Missile Launches doon.
Ayon kay Foreign Affairs Acting Spokesman Robespierre Bolivar,nakabantay ang ASEAN sa tensyon sa Korean Peninsula dahil sa seryosong impact ng mga aksyon ng North Korea sa rehiyon at sa kalapit pang lugar.
Binigyang diin pa ni Bolivar na dapat ay sumunod ang North Korea sa mga ipinatutupad na international laws sa ngalan ng kapayapaan at seguridad.
Umapela din naman ito sa lahat ng stakeholders na manatiling mahinahon upang mapababa ang tensyon sa korean peninsula at huwag gumawa ng ano mang hakbang na mag papalala sa sitwasyon.
Facebook Comments