Thailand Prime Minister inilatag ang kahalagahan ng MSMEs (Micro Small Medium Enterprises) sa ASEAN Region

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha ang kahalagahan ng Micro Small, and Medium Enterprise o MSMEs na bumubuo sa 95% ng mga negosyo sa lahat ng bansang miyembro ng ASEAN.
Sa key note speech nito sa ASEAN Business AdvisoryCouncil Meeting ay sinabi nito na sa ilalim ng ASEAN Economic Community Blueprint 2025 ay isa ang MSME’s sa mga mahahalagang haligi para sa pagandar ng ekonomiya ng buong ASEAN Region.
Sinabi ni Prime Minister Chan-o-cha na kung gusto ng mga ASEAN countries na magkaroon ng inclusive economy na makapag aangat sa buhay ng kanilang mamamayan ay dapat pangalagaan ng kani kanilang mga gobyerno ang MSME’s sa kanilang mga bansa. Photo from: sputniknews.com

Facebook Comments