ASEAN: Usapin sa human rights hindi natalakay sa courtesy call ng mga kinatawan ng Australia at Amerika sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang nangahas na magtanong sa kanya ng issue sa human rights sa mga naganap na pulong niya kahapon sa Malacañang.
Matatandaan na nakapulong ni pangulong Duterte sina Australian Foreign Minister Julie Bishop at United States of America Secretary of State Rex Tillerson.
Ayon kay Pangulong Duterte, sumentro ang kanilang mga paguusap sa issue ng terorismo at hindi natalakay ang usapin sa human Rights.
Bukod naman aniya sa terorismo ay tinalakay din ang issue sa pagpapalawig ng bilateral relations ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
samantala inaabangan din naman ang magiging resulta ng mga courtesy call ng mga ASEAN Foreign ministers kay Pangulong Duterte ngayong araw pagkatapos ng kanyang pangunguna sa opening gn Grand Celebration ng ASEAN 50th Anniversary at Closing Ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting.

Facebook Comments