ASEAN – wide mangrove development, itinutulak ng DENR

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang pagkakaroon ng ASEAN-wide mangrove development.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, mahalaga na maisulong sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations ang pangangalaga sa mga mangrove nang para malabanan ng rehiyon ang global warming.

Ayon kay Cimatu, dapat ay magkaroon ng convergence sa research ng mga member countries para mapangalagaan ang kapaligiran.


Binigyang diin din ni Cimatu na sa ngayon ay ramdam na ang climate change at patunay na dito ang dumaraming bagyo na tumatama sa mga bansa, extreme flooding, storm surges, landslides, coastal erosion at saltwater intrusion.

Kung magpapatuloy aniya ito, inaasahan na haharapin ng rehiyon ang worst impacts ng climate change sa 2100 kung saan aabot sa mahigit 4 degrees ang itataas ng temperatura at 70 cm naman ang sea level rise taon-taon.

Facebook Comments