DOJ, bukas sa pagdulog ng taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz

Manila, Philippines – Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa posibleng pagdulog ng taxi driver na sinasabing hinoldap ng napatay na disi nuwebe anyos na si Carl Angelo Arnaiz.

Tiniyak naman ng DOJ na tutulungan nila ang taxi driver na si Tomas Bagcal sakaling hilingin nito na isailalim siya sa Witness Protection Program.

Sa ngayon , wala pang aplikasyon para sa WPP si Bagcal.


Kasama rin sa ini-imbestigahan ng NBI ang katotohanan sa sinasabing pagpapasaklolo ng taxi driver sa mga pulis ng Caloocan na nakapatay kay Arnaiz.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng provisional government protection ang mga magulang ni Carl na sina Eva at Carlito.

Facebook Comments