ASG member, nadakip sa Basilan

62

Manila, Philippines – Arestado ang isang miyembro ang Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon ng tropa ng Joint Task Force Basilan sa Brgy Bohe Yawas Lamitan City Basilan.

Kinilala ang naarestong ASG member na si Ismael Gampal na kabilang sa mga bandidong nagooperate sa lalawigan ng Basilan,

Nakuha kay Gampal ang isang M16 rifle at iba pang war materiel, kasama ang uniporme ng militar at isang military back pack.


Sa ngayon nasa headquarters na nang 19 special action forces ang naarestong bandido.

Sinabi naman ni Joint Task Force Basilan Commander Col Juvymax Uy na dahil sa walang tigil nilang operasyon laban sa mga bandido kung kayat lumiliit na ang mundo ng mga ito.

Facebook Comments