Rematch sa laban ni Pacquiao at Horn, sinang-ayunan ng mga mambabatas

164

Manila, Philippines – Nanawagan na rin ang mga dating kasamahan ni Senator Manny Pacquiao sa Kamara ng rematch para sa Pambansang Kamao laban kay Jeff Horn.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi siya makapaniwala sa desisyon ng mga judges dahil kita naman aniyang lumamang si Pacquiao sa mga pinakawalan nitong suntok laban sa Australyanong boksingero.

Mas matatanggap pa niya kung naging draw ang desisyon ng mga judges sa laban.


Para naman kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, tiyak na sang-ayon ang lahat na si Pacquaio talaga ang nanalo at hindi si Horn dahil bukod sa may mga sugat na si Horn ay hindi na rin ito ganoon kalakas sa mga huling rounds ng laban.

Umabot pa sa puntong ipapahinto na ng referee ang laban dahil nakikitang nasasaktan na si Horn.

Sinabi naman ni PBA PL Rep. Jericho Nograles na dapat lamang ang rematch kina Pacquiao at Horn dahil malayo sa scorecard ang naging hatol ng mga judges na ideklarang panalo si Horn.



Facebook Comments