ASH WEDNESDAY | Ano nga ba ito?

Wag ng magtaka kung may makakasalubong kang may marking krus sa noon. Ngayong Pebrero 14, 2018 ay hindi lamang natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso. Kundi ito rin ay hudyat ng pag-sisimula ng pag-aayuno, pagsasakripisyo’t pinetensya. Isinasagawa ito 46 araw bago ang Easter Sunday na maaring mag-simula sa pagitan ng Pebrero 4 hanggang Marso 10. Ang Ash Wednesday o may opisyal na pangalang Day of Ashes ay araw ng pag-aayuno at unang araw ng Lenten Season sa mga debotong katoliko at ilang relihiyon na naniniwala dito.

Ang abo ay ginagamit noong sinaunang panahon bilang tanda ng pighati. Kaya naman bilang tanda ng pagsisisi at pag-amin sa mga kasalanang nagawa. Ipinagpatuloy ng mga kristiyanong katoliko ang paggamit sa abo bilang palatandaan sa noo at minsan ay inilalagay sa ulo na umpisa na ng Miyerkules ng Abo.

Photo-credited to Google Images


Facebook Comments