Nanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Asia Pacific Forum of National Human Rights Institutions (APF) na gawing transparent o bukas sa pagsusuri ang lahat ng paghirang ng mga bagong mamumuno ng Commission on Human Rights (CHR).
Sa isang pahayag, sinabi ng APF na dapat masunod ang Paris Principles, ang napagkaisahang universal standards ng United Nations General Assembly para sa selection at appointment ng mga mamumuno ng isang National Human Rights Institutions.
Kabilang sa mga sinasabing minimum requirements ay ang malawakang pagpapalaganap ng impormasyon, ang pagkonsulta ng mga civil society.
Gayundin na ang pagpili ay dapat nakabatay sa merito.
Lumilitaw na ang GANHRI accreditation o ang A-status na ibinigay sa CHR ay rerebyuhin sa 2023.
Isa umano sa isyung tinitingnan rito ay ang selection process ng CHR.