Domestic Filipino workers sa Hong Kong, humihirit ng HK$6,100 na buwanang sweldo

53

Humihirit ang mga dayuhang domestic workers sa Hong Kong na gawing HK$6,100 ang kanilang buwanang sweldo.

Nakiisa sa naturang panawagan ang Filipino Domestic Workers (FDW) doon matapos ang pagdalo nila sa pulong ng Hong Kong Labor Department.

Bukod dito, humihirit din ang foreign domestic workers ng HK$2500 na buwanang food allowance.


Ang hirit ng FDWs ay sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Hong Kong.

Facebook Comments