South Korea – Sa ikalawang pagkakataon, kakatawanin si Morissette Amon ang Pilipinas sa Asia Song Festival (ASF) na gaganapin sa Busan, South Korea.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng singer ang larawan ng venue ng ASF na may caption na “we’re back”.
Taong 2017 nang unang maging kinatawan ng bansa si Morissette kung saan inawit niya ang sarili niyang rendisyon ng mga kantang “secret love song”, “best of my life” at “emotion”.
Makakasama niya sa stage ngayong araw ang mga popular na korean groups gaya ng Wanna one, Seventeen, Red velvet at Momoland.
Ang ASF ay Asian Pop Music Festival na taun-taong ginagawa sa South Korea simula noong 2004.
Ngayong taon, ito ay may temang “Asia is one”.
Facebook Comments