Asian Development Bank, inaprubahan na ang $600 dolyar na inutang ng Pilipinas

Inaprubahan na ng Asian Development Bank ang 600 million dolyar o katumbas ng mahigit 30 bilyong piso na inutang ng Pilipinas.

Ayon kay ADB Director of Human and Social Development for Southeast Asia Ayako Inagaki, layon ng halaga na mapaunlad pa ang inisyatibo ng gobyerno sa Universal Care Program (UHC) at mabantayang maigi ang kalagayan ng health service providers.

Partikular na matutulungan nito ang state insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pangunahing inaasahan ng mga Pilipino ngayong pandemya.


Naisabatas ang UHC Act nitong 2019.

Facebook Comments