ASIAN GAMES | Clarkson – excited na sa laban ng Pilipinas kontra China sa Asiad

Kahit limitado lang ang oras sa pagsasanay, madali umanong nakuha ni Fil-Am NBA Star Jordan Clarkson ang istilo ni Head Coach Yeng Guiao para sa kampanya ng Pilipinas sa 2018 Asian games.

Katunayan, excitement ang nangingibabaw sa kanya para sa laban ng national team kontra powerhouse team China sa August 21.

Excited na raw kasi siya na maisuot ang jersey ng Philippine Basketball Team at mairepresent ang Pilipinas sa Asiad.


Kahapon, matatandaang tinambakan ng Pinoy cagers ang Kazakhstan, 96-59 sa unang laro nila sa Asiad.

Facebook Comments