ASIAN GAMES | Coach Guiao, proud sa ipinakita ng national team sa naging laban kontra China

Indonesia – Aminado si coach Yeng Guiao na nanghihinayang siya sa pagkatalo ng Pilipinas kontra China sa score na 82-80 sa men’s basketball ng 2018 Asian Games.

Bagaman at natalo, hindi naman daw siya dismayado sa ipinakita ng national team kung saan pinapurihan niya ang mga Pinoy squad dahil sa pag-step up ng mga ito matapos na makaranas ng pulikat si Fil-Am Jordan Clarkson sa huling bahagi ng laro.

Ayon pa kay Guiao, maganda ang naging performance ng mga players lalo na ang nai-ambag na 28-points ni Clarkson.


Posible naman makaharap ng Pilipinas ang defending champion na South Korea sa quarterfinals na magsisimula sa Agosto 27.

Facebook Comments