WORLD RECORD | Lalaki sa China, nagawang palobohin ang 12 na goma ng gulong sa pamamagitan ng ilong

China – Hindi pa rin makapaniwala ang mga audiences sa kakaibang world record na ginawa ng isang lalaki sa Nanjiang Grand Canyon sa China.

Nabatid kasi na nagawa ni Tang Feihu na hanginan ang nasa 12 piraso ng goma ng gulong ng hindi gumagamit ng makina.

Pero sa halip na bibig ang gamitin, pinalobo ni Tang ang mga goma gamit ang ilong nang sabay-sabay sa loob ng 2 minutes and 30 seconds.


Kinabitan ni Tang ang mga valves ng goma ng plastic water pipes kung saan inaayos niya ito ng isang linya saka niya hinipanan sa pamamagitan ng ilong.

Facebook Comments