ASIAN GAMES | Don Trollano ipapalit sa puwesto ni Jordan Clarkson

163

Manila, Philippines – Ang Talk N’ Text forward na si Don Trollano ang ipapalit sa line-up ng Gilas Pilipinas matapos hindi payagan ng National Basketball Association (NBA) si Jordan Clarkson na makapaglaro sa 2018 Asian Games.

Ayon kay national team head coach Yeng Guiao, isusumite na nila sa manager’s meeting ng Asiad ang pangalan ni Trollano at umaasa sila na papayagan nila na makapaglaro ito para sa koponan.

Bukod kay Trollano, pasok din sa 12-man roster ng Gilas sina Gabe Norwood, James Yap, Chris Tiu, Maverick Ahanmisi, Beau Belga, Raymond Almazan, Christian Standhardinger, Asi Taulava, Stanley Pringle, Paul Lee at Poy Erram.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas sa group stage ang China at Kazakhstan.

Isang panalo lang ang kailangan ng Pilipinas sa group stage para makausad sa knock-out quarterfinals.

Facebook Comments