ASIAN GAMES | Golfer Yuka Saso pinakamayaman sa mga gold medalist ng bansa

79

Instant multi-millionaire agad ang mga atletang Pilipinang namayagpag sa katatapos lang na 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Pinakamayaman sa kanila ang golfer na si Yuka Saso dahil sa pagkakapanalo niya sa women’s individual golf, P6-M agad ang matatanggap nito mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee (tig P2-M); P1-M mula sa Siklab Atleta at isang milyong piso pa galing naman kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee.

Dahil miyemro rin ng golf team na nanalo rin ng ginto, may dagdag na dalawang milyong piso pang makukuha si Saso.

Makakakuha rin ng tig-P2-M ang mga team mate ni Saso na sina Lois Kaye Go at Bianca Pagdanganan.

Madadagdagan pa ang matatanggap ni Pagdanganan dahil nakapag-uwi rin ito ng medalyong tanso sa individual golf competitions.

Makakakuha naman ng tig-anim milyong piso sina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.

Facebook Comments